Problemang Kinakaharap ng ating
Bansa
Magandang araw sa inyong
lahat, maaari ko bang mahingi ang inyong atensyon sa maiksing oras lamang. Nais
ko lamang ibahagi ang aking saloobin tungkol sa malalang problema na
kinakaharap ng ating bansa. Bakit nga ba madaming krimen na nagaganap sa ating
bansa gaya ng pag nanakaw at pagdodroga? Sa aking palagay ito ay sanhi ng
kahirapan ng ating bansa. Nagkakaroon ng krimen dahil sa kakulangan ng mga
Pilipino sa pera. Isang dahilan ang katamaran nating mga Pilipino at hindi
paggawa ng paraan upang umasenso. Isa pa rito ang korapsyon ng ating gobyerno.
Ninanakaw nila ang mga pondo na dapat ay para sa ikauunlad ng ating lipunan.
Ang kakulangan sa pinansyal o sap era ay magiging dahilan upang gumawa ang ibang
mga Pilipino ng hindi magagandang bagay gaya na lamang ng krimen. Ito’y
ginagawa nila upang sila ay mabuhay. Dahil sa kakulangan sa pera, nagagawa na
lamang nila ang magnakaw para may maipakain sa kanilang pamilya. Ngunit
hanggang Kaylan ito matatapos at masosolusyonan?
Isa pa sa dahilan ng
kahirapan ay ang kakulangan sa trabaho at pagtaas ng mga bilihin. Paano uunlad
ng ating bansa kung ganito ang magiging paraan ng gobyerno. Marami din sa atin
ang hindi nakapag aral at nakakuha ng magandang trabaho kaya ang iba sa atin ay
nagiging tambay nalang. Ang mga tambay ay isa ring problema sa bansa. Imbis na
gumawa sila ng paraan at maghanap ng babagay na trabaho para sa kanila ay tila
nagiging mga palamunin nalang sila sa kanilang pamilya.
Ako bilang isang kabataan
ngayon, mayroon akong mga maaaring gawin upang umunlad an gating bansa. Ako ay
mag sisikap at magtatapos ng pag aaral upang magkaroon ng magandang trabaho at
kinabukasan. Ngunit hindi uunalad ang ating bansa kung ako lang ang gagawa.
Ikaw, kayo, sila, ako, lahat tayo. Maaari rin kayong gumawa ng paraan upang
makatulong sa problemang kinakaharap nan gating bansa. Iwasan natin ang
pagiging tamad upang umunlad ng mabilis ang ating bansa. Wag hahayaang
magpakain sa sistemang hindi maganda. Magkaron
tayo ng pagkakaisang . Lahat tayo ay may magagawa para sa ikauunlad ng
ating bansa. Ito ay magiging dahilan upang maipagmalaki an gating bansa at
maipamana pa sa mga susunod na henerasyon.
Gumawa na tayo nang paraan
at solusyonan na ang problemang ito habang maaga pa. Wag na nating antayin na
mas lumala pa ang problemang ito at kaharapin pa ng mga susunod na henerasyon.
Magsama sama tayo at magkaisa para sa ikauunlad ng ekonomiya. Kumilos na tayo
upang magbago ang takbo ng ating buhay!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento